10 Pilipinong Mang-aawit na Sikat sa Buong Mundo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Likas ang pagiging mahilig ng mga Pilipino sa pag-arte, pagsayaw at pag-awit. Naging tulay ang mga patimpalak sa telebisyon upang malinang ang kanilang mga talento. Dito sila nakilala, sumikat at nagkapangalan. Dito rin nila ipinamalas sa buong mundo ang kanilang talino, galing at abilidad.

Aliw at saya ng puso ang idinudulot ng mga batikang mang-aawit para sa lahat. Dito nagsisimulang mabuo ang grupo ng kanilang mga tagahanga at tagasubaybay. Sa Pilipinas sila unang sumikat ngunit kinalaunan ay pinag-uusapan na rin ang kanilang mga pangalan sa iba't-ibang panig ng mundo. Ang pambihirang abilidad ng mga Pilipino sa pag-awit ang siyang nakapagbukas sa kanila ng pagkakataong makilala sa ibang bansa at maipagmalaki ng buong Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga Pilipinong mang-aawit na nakapaghandog ng karangalan sa Pilipinas dahil sa natatangi nilang husay at galing:

  1. Lea Salonga
  2. Charice Pempengco
  3. Martin Nievera
  4. Gary Valenciano
  5. Regine Velasquez
  6. Banig
  7. Billy Crawford
  8. Jed Madela
  9. Jasmine Trias
  10. Lani Misalucha

Tunay na sikat ang Pinoy at magpahanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring umaani ng paghanga at papuri hindi lamang sa sarili niyang bansa kundi sa buong mundo.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.