10 Nangungunang Unibersidad/Kolehiyo sa Pilipinas sa Taong 2009

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Nakabatay ang edukasyon sa Pilipinas sa sistemang mayroon ang Estados Unidos, bagaman may kaunting pagkakaiba. Binubuo ang elementarya ng anim na baitang sa pag-aaral samantalang may apat na taon naman ang sekondarya. Pagkatapos ng hayskul, maaaring kumuha ng kursong bokasyonal o batsilyer ang isang mag-aaral. Nakabatay ang haba ng panahon na kanyang gugugulin upang makatapos sa isang kursong bokasyonal sa itinakda ng bawat paaralan. Karaniwang apat na taon na pag-aaral naman ang kinakailangan upang matapos ang isang kurso sa kolehiyo. Sinisimulan ang pagpasok sa eskwela sa unang lunes ng Hunyo at magtatapos naman sa huling Biyernes ng Marso. Binubuo ng 200 araw ang bawat taong pampaaralan.

Madalas marinig na ang magandang kinabukasan ng isang bata ay nakadepende sa kalidad ng edukasyon na kanyang matatamo at sa kung gaano siya kahanda para matutunan ang mga bagay na dapat niyang matutunan sa paaralang kanyang papasukan.

(GAH)Batid ng maraming magulang ang kahalagahan ng pagpili ng pinakamainam na paaaralan para sa kanilang mga anak at yamang alam din ng lahat na ang proseso ng pagpili ay isang mahirap na gawain kung kaya narito ang listahan ng sampung nangungunang mga pamantasan upang sa ganoon ay maging madali ang pagpili:


[baguhin] Mga Nangungunang Unibersidad o Kolehiyo

Unang naitatag noong Hunyo 1908 at matatagpuan sa Maynila, sa pagitan ng Taft Avenue, Pedro Gil St. (dating Herren) at Padre Faura Street. Pinagtibay ang pagkakatatag ng pamantasang ito ng Batas Blng. 1870 ng Kamara ng Pilipinas at inatasan ang unibersidad na magbigay ng mahusay at mataas na kalidad ng edukasyon sa pagtuturo ng literatura, pilosopiya, agham at sining. Subalit dahil sa kasikipan ng lugar sa Maynila napagpasyahan ng lupon ng pamunuan na maghanap ng mas malaking lugar. Noong 1939 sinimulan ang pagtatayo ng mas malaki at panibagong unibersidad sa Diliman na natapos noong 1949 at kaalinsabay nito ang paglipat ng rebulto ng Pahinungod (Oblation) sa nasabi ring lugar.

Itinuturing na tahanan ng mga tinaguriang "iskolar ng bayan" at ng maalamat at tanyag na Pahinungod ang pamantasan ng UP. Itinuturing ding edukador ng bansa, ito ay nag-aalok ng mga 94 kursong may batsilyer at mga kursong bokasyonal. Maliban dito, ilan sa mga sentro ng pagsisiyasat sa UP System ay nakatanggap ng pagkilala mula sa Commission on Higher Education (CHED) bilang National Centers of Excellence. Nakatanggap ang UP ng nasabing parangal sa mga larangan ng engineering, law, medicine, agriculture and forestry at business and arts.


Nagmula ang pangalan ng unibersidad na ito sa pinakaunang institusyon ng edukasyon sa Roma: ang "Atheneum". Itinatag ang Ateneo noong 1859. Dati itong nasa ilalim ng pamahalaan ng Pilipinas ngunit sa pagdating ng mga Amerikano ito'y naging isang pampribadong pamantasan. Sa kasalukuyan, mayroon itong ilang sangay sa Kamaynilaan. Ang punong unibersidad ng Ateneo ay matatagpuan sa Loyola Heights, Lungsod Quezon. Ang dalawa pa sa mga paaralan nito ay makikita sa Rockwell Center at Salcedo Village, Makati, at mayroon din itong sangay sa Don Eugenio Lopez, Sr. Medical Complex sa Ortigas Center sa Pasig. Isa sa mga nagtapos sa pamantasang ito ang pambansang bayaning si Jose Rizal. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining. Bihasa ang Ateneo sa mga larangang business administration, chemistry, English, entrepreneurship, information technology, literature, mathematics, philosophy, physics, psychology at sociology.


Ang Pamantasan ng De La Salle ay binuksan ng Brothers of the Christian Schools bilang isang kolehiyo noong 15 Hunyo 1911 sa Calle Nozaleda, Paco, Maynila sa kahilingan ng noo’y Amerikanong Arsobispo ng Maynila na si Jeremiah James Harty. Noong 19 Pebrero 1975, ipinagkaloob sa De La Salle ang karangalang maging unibersidad. Ang pribadong Katolikong unibersidad ay matatagpuan sa Taft Avenue sa distrito ng Malate, Maynila. Taglay ang Kristiyanong turo at kaugalian ni San. Juan Bautista de la Salle na : "Imulat ang isip, hipuin ang bawat puso, baguhin ang bawat buhay". Ang Pamantasang De La Salle ay isa sa dalawang pribabadong unibersidad na nagkamit ng ika-IV na antas ng pagkilala mula sa Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) kasama ng Pamantasang Ateneo de Manila. Dalubhasa ang De La Salle sa mga larangan ng biology, chemistry, chemical engineering, electronics and communications engineering, English, Filipino language, information technology, literature, mathematics, mechanical engineering, physics, at teacher education.


Itinatag noong 28 Abril 1611 ni Arsobispo Miguel de Benavides at matatagpuan sa Sampaloc, Manila. Kilala ang UST bilang pinakamatandang pamantasan sa Asya at ang tanging unibersidad na dinalaw ng dalawang Santo Papa. Kadalasang nangunguna ang mga mag-aaral ng pamantasang sa mga licensure examination ng medisina. Itinuturing din ang UST bilang tahanan ng mga lider sa kalusugan ng bansang Pilipinas. Ang pamantasan ay may sentro ng kagalingan sa architecture, chemistry, electronics and communications engineering, literature, medicine and surgery, music, nursing, philosophy at teacher education.


Ikaanim ito sa pinakamatandang pamantasan at isa sa pinakanangungunang pribadong unibersidad sa bansa simula sa pagkakatatag nito noong 1928, pinangunahan ni Dr. Nicanor Reyes Sr. Kinilala ang FEU bilang unibersidad noong 1934 matapos ang pagsasanib ng Far Eastern College at ang Institute of Accounts, Business and Finance. Ito ay may mga institusyon sa larangan ng accountancy, business and finance, architecture and fine arts, arts and sciences, education, nursing at law. Makalipas ang taong 1989 nakatanggap ng pagkilala ang ilan sa mga institusyon ng nasabing pamantasan alinsabay ng mga ginawang modernisasyon sa mga pasilidad nito.


  • Kolehiyo ng San Beda

Unang nakilala sa pangalan na El Colegio de San Beda at itinayo noong taong 1901. Isa itong pribadong Benedictine College na pinangangasiwaan ng mga Benedictine monk. Ang pamantasang ito ay matatagpuan sa Mendiola Street, San Miguel, Maynila. Ang paaralang ito ay isa sa miyembro na nagtatag ng NCAA at PAASCU. Dito rin nagtapos ang namayapang senador na si Benigno Aquino, Jr., ang dating senador na si Rene Saguisag at iba pang mga kilalang personalidad. Noong Hulyo 2009, ipinahayag ng San Beda sa kanilang “The Bedan Today” na ang kanilang institusyon ay nagsumite na ng aplikasyon para kilalanin bilang unibersidad. Ang kolehiyo ay kumpiyansa na kilalanin bilang San Beda University sa taong 2013.


  • Pamantasan ng San Luis (Saint Louis University)

Ang SLU ay itinatag noong 1911 ng Congregatio Immaculati Cordis Mariae Missionaries, upang higit na maplawak ang Kristyanismo sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Isa ito sa pinakamalaking unibersidad sa hilagang Kamaynilaan at mayroong 26,700 na mag-aaral na naitala noong Hunyo 2009. Ang patuloy na paglaki at pagdami ng populasyon ng SLU ay bunga ng magandang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng paaaralang ito. Matatagpuan ang SLU sa Lungsod Baguio. Sa kasalukuyan, mayroon itong 9 na kolehiyo bukod dito, isa rin ito sa 10 pribadong unibersidad na ginawaran ng autonomous status ng CHED.


  • Pamantasang Mindanao (Mindanao State University)

Ang MSU ay binuo sa ilalim ng RA 1387 na naamendahan sa patnugot ni Sen. Domocao A. Alonto. Itinatag ito noong 1 Setyembre 1961. Si Dr. Antonio Isidro, dating bise presidente ng Academic Affairs ng Unibersidad ng Pilipinas, ang naging tagapagtatag at unang pangulo ng MSU. Kalakip ng layunin ng patuloy na pagbabago sa kahusayan ng edukasyon sa rehiyon ng MINSUPALA nagawang palaguin ng MSU noong 1962 ang pamantasan mula sa pagkakaroon lamang ng klase na may 282 estudyante. Ang MSU ay itinuturing bilang isa sa mga nangungunang institusyon ng edukasyon sa bansa na may anim na independyenteng paaralan. Ito ay may sentro ng kahusayan sa teacher education, science and technology, tourism, sports, arts, humanities at social sciences.


Ang pamantasang ito ay kilala dahil sa patuloy nitong pagpapatapos ng mga dekalibreng inhinyero at mga arkitekto simula pa nang itayo ito ng tagapagtatag na si Don Tomas Mapua noong 20 Enero 1925. Sa ngayon ang Mapua ay kilala bilang Malayan Colleges. Ito ay matatagpuan sa Intramuros, Maynila at sa Makati. Ang Mapua ang pinakaunang unibersidad na gumamit ng makabagong sistema ng ID kard na tinatawag na CARDINAL Plus. Bukod dito mayroon din silang Mapua SIM kard kung saan ang mga mag-aaral ay nakatatanggap ng mga mensaheng may kaugnayan sa kanilang paaaralan sa pamamgitan ng kanilang mobile phones. Kilala ang institusyon bilang natatanging paaralan pagdating sa larangan ng inhinyerya sa bansa. Patuloy nitong dinomina ang pangunahing sampu hanggang 20 puwesto ng halos lahat na itinakdang pagsusuri para sa pagkakaroon ng lisensya para sa inhinyerya at arkitektura.


Itinatatag ang PLM noong 19 Hunyo 1965 sa distrito ng Intramuros, Maynila ayon sa bisa ng R.A. Blng. 4196. Ito ay unang nagbukas noong 17 Hulyo 1967 at mayroong 556 na mga iskolar mula sa sapung porsyento ng mga nagtapos sa iba't ibang pampublikong paaralang sekondarya sa Maynila. Sa kasalukuyan, mayroon itong 12 kolehiyo at pamantasan para sa mga nakatapos ng kurso sa batsilyer sa abogasya. Ito ang pinakaunang unibersidad na tinustusan ng munisipyo ng gobyerno (Manila) at namumukod tangi rin dahil sa pagkakaroon nito ng pangalan sa wikang Filipino. Ayon sa CHED, ang pamantasan ay pangsiyam sa posisyon sa buong unibersidad sa bansa na nakakapapasa sa board or licensure examinations.


[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.