10 Nangungunang Advertising Agencies sa Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga mahuhusay na mga advertising agencies ay patuloy na umaani ng paghanga kasabay ng mga matataas na kitang dinadala nito sa mga malalaking negosyo. Ito ang sampu sa mga advertising agencies sa Pilipinas na nangunguna sa industriya. Hindi marami ang detalye sa kasaysayan ng mga ads sa Pilipinas. Ngunit noong 1898, ang La Independencia at La Republica ay may mga ads na nakaprinta. Panahon pa ito ng paglalaban ng mga rebolusyonaryong Pilipino at mga Kastila. Nang naging kolonya ng Amerika ang bansa, dumami ang mga pahayagan at itinatag ang mga istasyon ng radyo. Dumami na rin ang mga ads sa print at brodkas.


  • McCann World Group

Mga ma-prestihiyosong kumpanya ang mga kliyente ng McCann World Group. Iilan lamang nito ang L’Oreal, Sony Ericsson, Siemens, Microsoft, at Coca-Cola. May tamang dahuilan kung bakit sila ay nasa itaas. Ang mabuting work ethic at mahalagang pagpoposisyon ng mga brands sa merkado ay ang mga dahilan kung bakit naging kilala sila sa larangan.


  • Ogilvy and Mather

Ang internasyunal na grupo ng mga kumpanyang ito ay umangat din sa pwesto nga mga nangungunang advertising agencies sa Pilipinas. Maaring matatandaan nga mga namimili ang advertising agency na siyang gumawa ng Siren advertisement para sa Unilever Pond’s, DHL at Nagaraya Crackers. Kasali rin ito sa mga malaking proyekto kagaya ng kampanyang Manny Pacquiao-Nike noong 2008 na kung saan sila pinarangalan ng Anvil Award. Ang main office ng Ogilvy ay nasa New York, United States. May marami itong mga sangay at isa lamang nito ang sa Pilipinas.


  • TBWA Santiago-Mangada-Puno

Dahil sa paglaban sa anumang kumbensyon at patuloy na reinventions, and TBWA Santiago Mangada Puno advertising agency ay umani ng paghanga at nanalo ng Agency of the Year Award sa ika-21 na Philippine Advertising Congress nitong Nobyembre 21, 2009. Ang pinakasikat na gawa nilang advertisement ay ang Boysen “Flowers” na komersyal kung saan sila nanalo ng maraming mga awards sa nasabing kongreso. Ang mga nagmamay-ari ay nagsisilbi ding mga managing partners. Sila ay si Jaime Santiago, Melvin Mangada, at Jacinto Puno.


  • BBDO Guerrero

Ang BBDO Guerrero ay panalo sa kanilang bagong labas na Lola Techie na komersyal ng BayanTel Communications. Nasa kanila rin ang Krispy Kreme bilang bahagi ng kanilang mga naangkin nitong Pebrero. Ang kumpanya ay bahagi ng Omnicom Global Group, isang ahensya na, ayon sa Gunn Report, ay ang agency network na may pinakamaraming parangal sa buong mundo. Ang chief executive officer nito ay si Paul Roebuck habang ang general manager naman ay si Leah Besa-Jimenez.


  • Ace Saatchi and Saatchi

Ang paggawa ng “lovemarks” mula sa kliyente patungo sa mga bumibili ang nangungunang spiel ng Ace Saatchi and Saatchi. Sa nakaraang Advertising Congress in the Philippines, ang kanilang pinakatunog na kontribusyon ay ang “Bai Buy” na komersyal. Si David Nugent ang kasalukuyang Vice President at Director para advertising agency na ito na nakabase sa London. Si Kevin Roberts ang chief executive officer ng Saatchi and Saatchi Worldwide, inang kumpanya ng Ace Saatchi and Saatchi.


  • Publicis Jimenez-Basic

Dati itong Jimenez-Basic bago nito inangkin ang network name na Publicis. Ang kumpanyang ito ay naitatag bilang isa sa pinakamalaking malikhaing network agencies sa bansa. Si Berlinda Ngo at Rogelio Ramos Jr. ay ang mga joint chief executives ng kumpanya.


  • Lowe

Kilala ang Lowe bilang advertising agency na responsable sa mga komersyal ng Axe Spray at ng Victoria Court Drive na billboards ng hotel sa mga piling lokasyon sa Manila. Ang pinakasikat na komersyal nilang naggawa ay ang Wais si Lumen ng Surf. Ilan sa mga kilalang kliyente nila ay ang Nokia, Unilever, at Johnson & Johnson.


  • DentsuIndio

HSBC, Canon, Unicef, at Western Union ay iilan lang sa mga malalaking pangalan na naging kliyente ng DentsuIndio. Sila rin ang responsible sa website ng Honda Jazz na naparangalan sa ika-21 Advertising Congress. Si Angeli Beltran ang managing director ng kumpanya. Hapon ang nagmamay-ari ng kumpanyang Dentru, si Tatsuyoshi Takashima, ang presidente at CEO.


  • DM9JaymeSyFu

Umamin silang maliit ngunit mapagkatiwalaan. Sa katotohanan, malaki na sila upang maisali sa listahan ng mga nangungunang ahensya sa advertising sa Pilipinas. Ang Cannes 2008 ay nagsasabing sila ang numero uno sa mga ahensya. Bahagi ito ng DDB Communications World Group at nakatutok sa inter-disciplinary creative collaborations. Iilan sa mga napasaya na kliyente nito ay ang Max’s, SMART Communications, Crossings, John Robert Powers, PLDT, Vicky Belo, at Music One. Ang chairman at chief creative officer nito ay si Merlee Cruz Jayme.


  • Leo Burnett

Kilala sila dahil sa mga advertisments na malikhaing ginawa nila para sa Philippine Airlines. Sila rin ang responsable sa pag-ere ng komersyal sa TV kung saan iniimbita nila ang mga tao na bomoto sa internet para sa Earth Hour. Ang nakabase sa US na kumpanya ay itinatag noong 1935, isa sa mga pioneer sa industriya ng advertising sa buong mundo. Ngayon ay bahagi na rin ito ng Publicis, isang kumpanyang Pranses.


[baguhin] Sanggunian:

  • Lowe Lintas Philippines. Wikipilipinas, the hip n free encyclopedia. Accessed December 27, 2009.
  • McCann Erickson. Wikipedia, the free encyclopedia. Accessed December 27, 2009
  • McCann Official Website
  • Pond’s Siren
  • Ogilvy and Mathers Philippines Ads Coloribus
  • Ogilvy Public Relations Worldwide
  • TBWA Official Website
  • Lola Leads the Way at AdCongress
  • BBDO Tops the Gunn Report…Again
  • Saatchi Official Website
  • Jimenez Basic Adopts Publicis Branding Media Online.

[baguhin] Kauna-unahang Cooperative Advertising Agency sa Pilipinas (Mas mura kasi Cooperative):

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.