(H) istoryador (a)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|right|150px|(H)istoryador(a) (pabalat ng aklat)

Ang (H)istoryador(a) ay isang nobela na di-nobela, mula ito sa historya o istorya ng isang lalakeng babae o babaeng lalake. Isinulat ni Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr., inilimbag ng University of the Philippines Press, noong 2000.

[baguhin] Tungkol sa aklat

Mula sa historya o istoraya ng isang lalakeng babae o babaeng lalake, nobela itong di-nobela. Pinaghalong peryodisko at panitikan, ang kasaysayang ito ay kuwentong diyurnalisko at pampanitikan.

Si Minerva Concepcion, este Minerva Centenario, ang nagkukuwento subalit maaari ding pakinggan ang tinig ng sumapi sa katawan ni “Minerva”. Si Rosario Villaruel-- ang kauna-unahang mason na Pilipina-- bilang tagapagsalaysay. Kapwa mandirigma ang dalawa-- ang una ay nakikipaglaban sa kalayaan sa pamamahayag bilang isang peryodista, samantalang ang huli ay nakilahok para sa independensya ng Haring Bayang Katagaluganm bilang Katipunera.

Habang ibinibida ni Minerva ang kanyang buhay na personal, isinalaysay din niya ang buhay ng kanyang lipunan. Bilang bida, siya rin ang kontrabida. Sa krimen ng pagsunod sa batas! Lahat ng batas. Siya ang pangunahing tauhan na hindi mo maituturing na pangunahin. Lalo kung itatapat siya sa iba pang karakter na labas-pasok na walang iniwan sa punto de bista nila at sa kanila. Nariyan ang kanyang Inana na kapantay niya sa kahalagahan. Dahil talambuhayito tunay na abuwela. Kinakabitan ng mata din ng kaniyang lola ang kaniya ring naging talambuhay. Gayong hindi niya nda ang kanyang kahapon habang dinudugtungan naman niya ito ng bukas. Kasalukuyan silang naghahanap ng nakaraan at hinaharap. At iisa lamang sa lahat ang saksing siya ring “kriminal”. Isang putting kalapating putikan.

[baguhin] Sanggunian

  • Nadera, Victor Emmanuel CArmelo D.Jr. (H)istoryador(a). Quezon City: University of the Philippines Press, 2000.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.