Wikifilipino:Patungkol

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
WikiFilipino footer.png

Mga nilalaman

[baguhin] Paliwanag

Supling ng Wikipilipinas, na dating Wikipiniana, ang WikiFilipino. Layon ng WikiFilipino na makabuo ng malawak, malalim, at makabuluhang pintungan ng karunungang magagamit ng bawat Filipino saanmang panig ng mundo siya naroroon.

Bayanihang proyekto ng mga boluntaryong nagmamalasakit sa Filipinas ang WikiFilipino. Maliban sa ilang pagkakataon, ang nilalaman ng WikiFilipino ay maaaring baguhin, bawasan, dagdagan, o pakinisin sa anumang oras ng kahit na sinong tao na may kakayahang gumamit ng internet at sumulat sa wikang Filipino. Gayunman, ang mga ambag ay dapat sumunod sa patakaran ng WikiFilipino Tulong! na pinagtibay ng mga editor ng WikiFilipino.

Kahawig ng patakaran ng Wikipedia ang patakaran ng WikiFilipino ngunit malaki ang pagkakaiba sa maraming pagkakataon. Ang inobasyon ng WikiFilipino ay mula sa pinagsama-samang malikhaing pagsisikap ng mga tao na may kabihasaan sa sari-saring lárang.

[baguhin] Pakahulugan

Ang taguring "WikiFilipino" ay tambalan ng mga katagang "wiki" (na isang uri ng bayanihang website) at "Filipino" na tumutukoy sa tao, kaisipan, wika, at anumang bagay na may kinalaman sa Filipinas.

[baguhin] Mga Pasimuno

Ipinundar ni Gaspar Vibal ang WikiFilipino, pinangasiwaan ni Alfred Ursua, binalangkas sa web ni Richard Grimaldo, at pinamatnugutan ni Roberto T. Añonuevo hanggang 15 Marso 2008.

Kabilang naman sa bumuo ng samot-saring web disenyo ng WikiFilipino sina Sherlock Bactin at Christopher B. Payawal.

Sina Clarizze Elaine C. Kabigting, Bambie Untalan, at Leonides C. Cuntapay ang ilan sa mga nagsimulang mag-ambag, magbuo, at magkarga ng mga akda sa WikiFilipino.

[baguhin] Tanggapan

Ang WikiFilipino, na pinapatakbo ng Vibal Foundation, ay may tanggapan sa 1253 G. Araneta Avenue, Lungsod Quezon, 1104.

Kung kayo'y may nais itanong o i-konsulta, magpadala ng email kay Gilmeri Gem Mallorca sa gmallorca@vibalgroup.com. Maaari ring sundan ang WikiPilipinas.org sa Facebook at sa Twitter.