Wikifilipino:Donasyon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Paliwanag

Malaking tungkulin ang ginagampanan ng Vibal Foundation upang patakbuhin ang WikiFilipino, kaya nangangailangan din ito ng malawakang network ng mga institusyon, tanggapan, at indibidwal na handang tumustos sa mga pangangailangang pananalapi nito. Labis na magastos ang pagpapanatili ng kagamitan, tauhan, at iba pang kaugnay na bagay hinggil sa elektronikong paglalathala.

Anumang halaga ang inyong maiambag para sa WikiFilipino ay tatanawin naming malaking utang na loob. Kung nais ninyong tumulong, Ipadala ang inyong donasyon sa tanggapan ng Vibal Foundation na matatagpuan sa 1253 G. Araneta Avenue, Lungsod Quezon, 1104.

Kung kayo'y may nais itanong o i-konsulta, magpadala ng email kay Gilmeri Gem Mallorca sa gmallorca@vibalgroup.com. Maaari ring sundan ang WikiPilipinas.org sa Facebook at sa Twitter.

Tumulong kayo upang maisulong ng WikiFilipino ang makabuluhang pag-unlad ng mga Filipino.