Wikifilipino:Balitaan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Mga nilalaman

Anunsiyo

Nangangailangan ng mga manunulat na boluntaryo ang WikiFilipino na ibig mag-ambag ng mga artikulo hinggil sa sari-saring paksa na may kaugnayan sa buhay, kaligiran, kultura, at iba pang pangyayari hinggil sa Filipinas.

Mungkahi

Nais mabatid ng WikiFilipino kung ano ang inyong opinyon hinggil sa anyo at nilalaman ng WikiFilipino. Nasa yugtong eksperimental pa lamang ang lagusang ito, kaya inaasahan ang inyong mga mungkahi, puna, at ambag upang lalong mapahusay ang nilalaman at anyo nito.

WikiFilipino Kodigo

Ang mga computer command sa WikiFilipino ay isinalin mulang Ingles hanggang Filipino. Maaaring manibago kayo hinggil dito. Sumangguni lamang sa bokabularyo ng mga kodigo na nasa Unang Pahina ng WikiFilipino.

Bagsik sa Internet

Nais ng WikiFilipino na makabuo ng sariling kodigo ng mga Filipino na mahilig sa kompiyuter. Isang uri ito ng himagsikan sa internet, na ang mga Filipino ang pangunahing kalahok. Kung ibig ninyong tumulong, halina at magpaunlad tayo ng ating kodigo. Kailangan ito ng mga Filipino mulang seguridad hanggang komunikasyon ng mga Filipino.