Unang Pahina

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
mabuhayJun2010.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
9,026 artikulo sa Filipino at dumarami....
flag.gif

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit


El Filibusterismo.jpg

Ang El Filibusterismo (1891) ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ang karugtong ng kanyang nobelang Noli Me Tangere. Inilalantad ng El Filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng ika-19 na siglo sa Pilipinas.

Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.


Wiki-Balita

edit

Roxas, pormal nang inalok si Poe bilang ka-tandem sa darating na eleksiyon

Kinumpirma ni Mar Roxas, standard bearer ng Liberal Party at kasalukuyang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary, noong Lunes na pormal na niyang inalok si Senator Grace Poe bilang kaniyang ka-tandem sa darating na eleksiyon.

Ani Mar, na inendorso ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na pambatong kandidato ng LP, wala pang pinal na pag-uusap ngunit magkakaroon pa sila ni Poe ng marami pang pulong.

Base sa karamihang pre-election surveys na isinagawa, nais nilang maging Presidente ng mga Pilipino si Poe sa 2016 ngunit wala pang lumalabas na kumpirmasyon o deklarasyon mula sa kaniyang kampo. may karugtong...


'

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Amado V. Hernandez ay isang makata, nobelista, mandudula, peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Herminia dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril.

Isinilang siya noong 13 Setyembre 1903 sa Tundo, Maynila, at supling nina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya si Honorata "Atang" de la Rama na tinaguriang "Reyna ng Kundiman" na napabilang din sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo, Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya nakamit ang titulong batsilyer sa sining.


Tatak Pinoy!

edit

Siesta.jpg

Ang siesta ay ang maikling pagtulog o idlip tuwing hapon. Kadalasan itong ginagawa pagkatapos ng pananghalian. Isang kaugalian ang siesta lalo na sa mga maiinit o tropikal na mga bansa. Ayon sa pag-aaral, ang siesta ay nakatutulong upang ibalik at muling palakasin ang enerhiya ng isang tao. Tinataasan din nito ang pagiging produktibo sa mga gawain, lalo na sa mga nagtatrabaho at nag-aaral.


Tampok na Video

edit


Si Apolinario Mabini, kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay isang Pilipinong theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899.

Ngayong Buwan...

edit


Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

Sinisimulan ang araw ng kapistahan ng isang novena o siyam na araw na pagdarasal bilang pagpupuri sa Birhen. Sa unang araw ng pagdiriwang, ang imahe ng birhen na dibuho ng Madonna sa Peñafrancia, Espanya ay dinadala mula sa kanyang dambana papuntang Naga Metropolitan Cathedral kung saan gaganapin ang novena.


Alam mo ba...

edit

Na mayroong sekretong lagusan sa ilalim ng Makati at Bonifacio Global City sa Taguig? Taong 2011 nang madiskubre ng mga taga-Manila Water ang isang lagusan noong sila'y naghuhukay sa may Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)-Guadalupe area. Ito umano'y makikita 3.5 meters mula sa ilalim ng kalsada at may laking kasya ang ilang dump trucks.

Ang lagusan naman sa may Fort Bonifacio ay matatagpuan malapit sa Megaworld. Ito ay may habang 2.24 km at lawak na 4 meters. Mayroon itong 32 built-in chambers, 6-meter-deep well, at 2 lagusan palabas ng Brgy. East Rembo at Brgy. Pembo sa Makati. Ang mga lagusan naman papasok dito ay makikita sa C5 (malapit sa Market! Market!), East Rembo, Amapola Street, at sa Morning Glory Street. may karugtong...



'

Mga Kasabihan at Salawikain

edit

Anonimos


"Ang mabuting gawa
Ay pinagpapala."


'