Tinapahan Festival

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Tinapahan Festival o Pista ng Tinapahan ay ipinagdiriwang sa bayan ng Lemery sa Batangas tuwing buwan ng Abril.

[baguhin] Pagdiriwang

Ang Tinapahan ay ginaganap sa loob ng tatlong araw na tinatampukan ng isang trade fair upang ipamalas ang pangunahing produkto ng bayan. Nagkakaroon din ng mga seminar tungkol sa pag-aalaga ng mga baboy at manok, gayon din ang paligsahan sa pagluluto ng iba't ibang putahe gamit ang tinapa.

Ang pangunahing tampok ng pagdiriwang ay ang pagsasayaw ng mga kalahok na eskwelahan. Suot ang makukulay at magagarbong kasuotan, nagsasayaw ang mga ito upang ipamalas ang kahalagahan ng tinapa sa kanilang pamumuhay.

Bagaman kilala ang Lemery bilang isang malapit na destinasyon para sa mga taga-Maynila na nais magbakasyon, unti-unti na ring nagiging popular ito para sa tinapa at sa Tinapahan Festival.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.