Tinalak Festival

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Pista ng Tinalak o T'nalak ay ang araw kung saan ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng Timog Cotabato. Ang pista ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo sa Lungsod ng Koronadal na siyang sentro ng lalawigan.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulan

Ipinangalan ang pista ng T'nalak sa katutubong tela na hinabi ng mga kababaihan ng tribong T'boli sa lalawigan. T'nalak ang katutubong pangalan para sa makulay na pamamaraan ng paghahabi ng telang yari sa abaka. Naniniwla ang mga T'boli na ang sining ng paghahabi ng t'nalak ay itinuro ng diyos na si Fu Dalu sa panaginip ng kanilang mga ninuno. Sumakatwid, isinasaalang-alang nila ang kabanalan ng paghahabi. Ginawang simbolo ng kapistahan ang telang ito dahil na rin sa itinuturing itong sagisag ng pagkakahalu-halo ng kultura, lakas at pagkakaisa ng iba't ibang katutubong naninirahan sa lalawigan.

Karamihan sa mga aktibidades ng pista ay ginaganap sa Koronadal dahil ito ang sentro ng pamahalaan ng lalawigan. Dito ipinapakita ang katangi-tanging kultura ng mga T'boli sa pamamagitan ng kanilang koleksyon ng katutubong mga gamit at etnikong pananamit, pagsasayaw sa kalsada, pangangalakal at gawaing pampalakasan. Karaniwang inuumpisahan ang pagdiriwang ng Dayana Civic Parade na pangungunahan ng mga float at paligsahan sa pagsasayaw at pananamit. Karamihan sa mga mananayaw ay nakasuot ng mga pangkatutubong damit.

[baguhin] Pangdaigdigan

Dahil na rin sa kagandahan at katutubong kahalagahan ng produktong T'nalak, umabot na sa iba't ibang panig sa daigdig ang katanyagan nito. Madalas na itong gamitin sa mga pangdaigdigang paligsahan. Ginagamit na rin ito ng mga sikat na tao sa pagdidisenyo.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.