Sampaguita Pictures

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Logo ng Sampaguita Pictures (Picture from ([1]).

Sa pangunguna ni Pedro Vera, itinatag noong 1937 ang Sampaguita Pictures, Inc (SPI), ang pinaka-una at tinaguriang pinaka-prestihiyosong kumpanya ng pelikula sa Pilipinas. Kasama ang Lebran, Inc, LVN Pictures at Premiere Productions, Inc, binubuo nila ang "Big Four" ng industriya ng pelikula sa bansa.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Hukom Jose O. Vera (Picture from ([2]).

Kasama ni Pedro Vera sa pagtatatag ng SPI ay sina Hukom Jose O. Vera, Rep. Jose Zulueta, Col Antonio Torres, Dr. Catalino Gavino, Dr. Pedro Abecilla at Doña Apolonia Vda de Vera. Si Luis F. Nolasco ang napili nila na mamuno sa paggawa ng mga pelikula.

Ang Bituing Marikit ay ang unang pelikula na nagawa ng SPI. Pinagbidahan ito ng “singing sweetheart of the Philippines” na si Elsa Oria, kasama si Rogelio de la Rosa. Lumabas ang pelikula noong 27 Disyembre 1937. Dahil sa naging matagumpay ang una nilang pelikula, ito ay sinundan pa ng iba't ibang musikal na pagtatanghal, tulad ng Paru-parong Bukid, 1938; Madaling Araw, 1938; at Dalisay, 1939.

Dr. Jose R. Perez (Picture from ([3]).

Huminto ang operasyon ng SPI mula 1942 hanggang 1945 dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit nagpatuloy namang muli sa ilalim ni Hukom Jose O. Vera noong 1946 matapos na mamatay ang presidente nila na si Pedro Vera.

Nakaranas ng malaking problema ang SPI noong 1951, nang masunog ang kumpanya at kasamang natupok sa apoy ang mga master negatives nito. Gamit ang mga natira sa istudyo, gumawa ang SPI nang isang pelikula na may mababang badget, ang Roberta, na pinagbibidahan ni Tessie Agana. Naging matagumpay ang pelikula at nagpatuloy sa industriya ang SPI, sa ilalim naman ng pamumuno ni Dr. Jose R. Perez.

Nang mamatay si Perez, sinundan siya ng kanyang panganay na anak na si Marichu Vera-Perez Maceda, upang patabukhin ang kumpanya. Sa ilalim ng pamamahala ni Maceda. Itinanghal nila ang AKO Batch '81 ni Mike de Leon.

[baguhin] Mga Artistang Pinasikat

Sa loob ng maraming dekada, ang SPI ay nakalikha ng malalaking pangalan sa industriya:

at marami pang iba.

[baguhin] Ilang mga Pelikula

[baguhin] 1930's

Bituing Marikit (Picture from ([4]).
Paru-parong Bukid (Picture from ([5]).
  • Bituing Marikit, 1937 - ni Carlos Vander Tolosa
  • Alipin ng Palad, 1938
  • Dahong Lagas, 1938
  • Himagsikan ng Puso, 1938
  • Inang Mahal, 1938
  • Madaling Araw, 1938
  • Mapait na Lihim, 1938
  • Paru-parong Bukid, 1938
  • Tigre (Ang Taong Halimaw), 1938
  • Walang Pangalan, 1938
  • Ang Magsasampaguita, 1939
  • Gabay ng Magulang, 1939
  • Lagot na Kuwintas, 1939
  • Pasang Krus, 1939
  • Siya'y Aking Anak, 1939
  • Takip-Silim, 1939

[baguhin] 1940's

  • Señorita, 1940
  • Lambingan, 1940
  • Colegiala, 1940
  • Panambitan, 1941
  • So Long, America, 1946 -ni Gerardo de Leon
  • Isumpa Mo, giliw, 1947

[baguhin] 1950's

  • Baguio Cadets, 1950 -Maria Clara best cinematography
  • Mapuputing Kamay, 1950
  • Prinsesa at Pulubi, 1951 -ni Eddie Romero, tumanggap ng parangal para sa pinakamahusay na direktor mula sa Maria Clara
  • Roberta, 1951
  • Basahang Ginto, 1952
  • Ang Asawa Kong Americana, 1953 -Asian film Festival best screenplay
  • Inspirasyon, 1953
  • Bondying, 1954
  • Maalaala Mo Kaya?, 1954
Dalagang Ilocana (Picture from ([6]).
  • Dalagang Ilocana, 1954 -FAMAS best actress, Gloria Romero
  • Ang Tangi Kong Pag-ibig, 1955
  • Lupang kayumanggi, 1955 -FAMAS best supporting actor, Panchito Alba
  • Gilda, 1956
  • Tumbando Caña, 1956
  • Busabos, 1957
  • Sino ang Maysala?, 1957
  • Taga sa Bato, 1957 -FAMAS best supporting actor, Eddie Garcia
  • Ako ang Maysala, 1958
  • Alaalang Banal, 1958
  • Anino ni Bathala, 1958
  • Condenado, 1958
  • Talipandas, 1958 -FAMAS best actress, Rita Gomez
  • Kamandag, 1959
  • Tanikalang Apoy, 1959

[baguhin] 1960's

  • Pinagbuklod ng Langit, 1969 -FAMAS best director, Eddie Garcia

[baguhin] 1970's

  • Masikip, Maluwang:Paraisong Parisukat, 1977 -FAMAS best music, Ryan Cayabyab
  • Masarap, Masakit ang Umibig, 1977

[baguhin] 1980's

[baguhin] Larawan ng Ilang Artista

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.