Quiapo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Quiapo ay kilalang distrito ng Maynila. Dito matatagpuan ang Simbahan ng Quiapo, Plaza Miranda, at ang Kalye Hidalgo. Ang kapistahan ng Quiapo ay ginaganap tuwing 9 Enero, kung saan ang Itim na Nazereno ay inililibot sa buong distrito ng Quiapo ng mga deboto.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Ang Quiapo ay matatagpuan sa sentro ng Lungsod Maynila, at napaliligiran ito ng hangganan ng Estero de San Miguel sa timog, San Miguel District sa silangan, Claro M. Recto Avenue sa hilaga, at Quezon Boulevard sa kanluran.

[baguhin] Kapistahan

Ang araw ng Quiapo o mas kilala bilang kapistahan ng Itim na Nazareno (Black Nazarene), ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing ika-9 ng Enero. Sa araw na ito libo-libung deboto ang nagtutungo sa Simbahan ng Quiapo, at sumasama sa prusisyon sa paniniwalang may mirakulong taglay ang mahipo o mahahimas ang imahen ng Itim na Nazareno.


[baguhin] Kasalukuyang Quiapo

Sa kasalukuyan, ang Quiapo ay kilala sa mga murang bilihin tulad ng kasangkapang pambahay, mga katutubong produkto, mga damit, na ang kalimitang makikitang nagtitinda ay mga Muslim at Instik. Hindi lang panindang gamit ang makikita sa paligid ng Quiapo, marami din manghuhula, nagtitinda ng mga anting-anting, at mga gamot na herbal na mabibili sa murang halaga.


[baguhin] Sanggunian

  • De la Torre, Visitacion R. Landmarks of Manila 1571-1930. Makati: Published for Security Bank and Trust Company by Filipinas Foundation, 1981. p22.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.