Puerto Princesa Subterranean River

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ilog sa puerto princesa.jpg

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven Wonders of Nature na. Matatagpuan ito sa Palawan, humigit-kumulang 50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siuydad ng Lungsod Puerto Princesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan na underground river sa buong mundo. Ang National Park ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Kapuna-puna sa lugar na ito ay ang limestone karst mountain landscape at ang 8.2 kilometro na underground na ilog. Makikita sa loob ng kuweba ang pagkakabuo ng mga stalactite at stalagmite, gayun din ang iba pang malalawak na yungib. Ang katangi-tanging anyo nito ay ang pagikot ng ilog sa buong kuweba bago ito tumuloy sa South China Sea.

Ang National Park ay isa ding habitat para sa biodiversity conservation sapagkat ang lugar na ito ay nagtataglay ng kalipunan ng mga organismo (mga hayop at halaman) na nabubuhay mula sa bundok hanggang sa karagatan. Matatagpuan dito ang mga nasa panganib na mga ibon ng Palawan tulad ng Palawan peacock-pheasant at ang Philippine cockatoo. Dahil dito, ang parke ay itinilaga bilang Important Bird Area (IBA), at kinilala ng UNESCO bilang World Heritage Site noong Disyembre 4, 1999.

[baguhin] Turismo

Ang malawak na kuwebang limestone na ito ay mararating ng dalawang oras mula sa lungsod at dahil sa pambihirang ganda ng kalikasan, nahihikayat nito ang libu-libong mga turista kada-taon kung kaya't napasama ito sa listahan ng kandidato para sa paghanap ng New Seven Wonders of the World.

Ayon sa websayt ng Palawan Council for Sustainable Development, ang parke ay kumikita ng humigit-kumulang 5-milyong piso bawat taon. Ito ay ginagamit sa pagpapanatili ng parke na pinapangasiwaan ng Protected Areas Management Board (PAMB) at pinamumunuan ng pamahalaan ng Puerto Princesa.

[baguhin] Payong Panlakbay

Upang makarating sa Puerto Princesa Subterranean River National Park, kailangang dumaan sa Puerto-Roxas na tumutuloy sa Sabang, kung saan matatagpuan ang parke. Mayroon ding mga bus na umaalis sa terminal ng Puerto Princesa's San Jose ng alas-siyete ng umaga at ang halaga ng pamasahe ay Php 300. Dalawa o tatlong mga jeep naman ang dumadaan sa parehong ruta, sa parehong oras, ngunit sa mas murang pamasahe--Php 200. Kadalasang inaabot ng tatlong oras ang biyahe dito.

Upang magalugad ang Subterranean River, kinakailangang makakuha muna ng pahintulot mula sa Tourist Information and Assistance Center sa Sabang pier na nagkakahalagang Php 150 para sa mga Pilipino at Php 200 para sa mga dayuhan. Ang buong biyahe sa ilog gamit ang bangka ay nagkakahalaga ng Php 700 para sa biyaheng balikan na aabot sa 15 minutos. Matapos ang 5-minutong paglakad sa mismong entrada, bibigyan ang mga biyahero ng lifejacket at helmet gayun din bangka at tsuper para sa buong biyahe sa kuweba.

Ang buong biyahe ay aabot ng limang kilometro, dahil mula dito, ang ilog ay mahirap ng tahakin. Ang biyaheng balikan ay inaabot ng 45 minuto. Pinapahintulutan din ang paggamit ng kamera.

[baguhin] New 7 Wonders of Nature

Ang National Park ay kasama sa mga nagwagi sa New 7 Wonders of Nature. Noong Setyembre 29, 2008, ito ay napasama sa sampung talaan nito at inaasahang madedeklara sa 2012.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.