Pasalubong

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Mga itinitindang pasalubong

Isa sa maituturing ng tatak ng mga Pilipino ay ang pagbibigay ng pasalubong. Ang pasalubong ay karaniwang binibili ng isang tao kapag naglakbay siya sa ibang lugar upang maging alaala ng pagpunta niya roon. Ngunit kadalasan ay hindi lamang gamit para sa sarili ang binibili bilang pasalubong, naging tradisyon na ang pag-uuwi ng pasalubong para sa lahat ng miyembro ng pamilya.

Hindi makukumpleto ang pagpunta sa isang lugar para sa isang Pilipino kung wala siyang maiuuwing pasalubong para sa kanyang mga kapamilya at mga kaibigan. Ang iba't ibang lugar naman sa Pilipinas ay may kanya-kanyang ipinagmamalaking mga pasalubong.

Kadalasang pagkain ang ibinibigay bilang pasalubong ngunit maaari rin namang mga maipagmamalaking produkto mula sa isang lugar tulad ng mga laruan o di kaya naman ay mga t-shirt na may tatak ng lugar kung saan ito nabili. Hindi na ibibinabalot ang mga pasalubong at ibinibigay na ito sa kung paano ito nabili, hindi tulad ng mga karaniwang regalo.

[baguhin] Pagkain

Ang mga sumusunod ay sampu sa mga pinakamagandang ipasalubong:

  1. Broas mula sa Bohol
  2. Pastel ng Cagayan de Oro
  3. Napoleones ng Bacolod
  4. Biscocho ng Laoag
  5. Halayang ube mula sa Baguio
  6. Masareal ng Cebu
  7. Sariwang mangga mula sa Guimaras
  8. Longganisa mula sa Cagayan
  9. Kending gawa sa gatas mula sa Alcala Pangasinan
  10. Chichacorn (Chicharon na gawa sa mais) mula sa Ilocos

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Sanggunian