Nestor Redondo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Nestor Redondo

Si Nestor Redondo ay isa sa mga Pilipinong kinilala ang angking talento sa larangan ng pagguhit sa komiks. Pinarangalan siya ng Inkpot Award noong 1979, isang prestihiyosong parangal para sa mga mahuhusay magsulat at gumuhit sa komiks. Naging bantog si Redondo sa kanyang Swamp Thing matapos niyang pinalitan ang pamosong si Berni Wrightson.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinag-ugatan at Edukasyon

Si Nestor Redondo ay ipinanganak sa Candon, Ilocos Sur noong April 5, 1928. Bata pa lamang si Redondo ay nakagiliwan na niya ang gumuhit ng komiks. Naimpluwensiyahan siya ng mga lumalabas na komiks sa Amerika tulad ng Tarzan, Flash Gordon, Buck Rogers at Superman.

Kumuha si Redondo ng kursong arkitektura ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Napagtanto ng kanyang mga magulang na sapat na ang isang dibuhista ng komiks sa pamilya. Nang mga panahong iyon, ang kanyang nakakatandang kapatid na si Virgilio, ay gumuguhit na ng komiks para sa Bulaklak Publications.

[baguhin] Karera

Sa kabila ng kanyang natapos na kurso sa arkitektura, ang pagkahumaling ni Redondo sa komiks ang nagdala sa kanya sa mundo nito. Nagsimula siyang magtrabaho kasama ang Bulaklak Komiks. Nakasama niya ang kanyang kapatid na si Virgilio at hindi naglaon ay natuklasang mas magaling ang mga kamay ni Nestor kaysa kanyang kapatid. Bagaman pumaling sa pagsusulat ng komiks si Virgilio ay naging magkaagapay ang dalawa sa pagbuo ng mga serye na naging kilala tulad ng Palos, Tagisan ng Agimat, at Diwani ng Gagamba.

Mas lalong sumikat si Redondo nang ipinagkatiwala sa kanya ang pagguhit sa seryeng Darna na sinulat ni Mars Ravelo noong dekada 50's. Nang taong iyon, sabay siyang nagdibuho ng mangilan-ngilang istorya para sa Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks, Hiwaga Komiks at Espesyal Komiks.

Taong 1960 nang nagkaroon ng problemang pananalapi ang Ace Publications, ang pinakamalaking kumpanya ng komiks sa Pilipinas. Hindi nagtagal ay nagsara ang naturang kumpanya at si Redondo, kasama ng ibang mga alagad ng sining sampu nina Tony Caravana, Alfredo Alcala, Jim Fernandez, Amado Castrillo at ang kanyang kapatid na si Virgilio, ay nagtatag ng CRAF Publications, Inc. Nagsimula sila ng sariling komiks ngunit matapos ang isang taon ay hindi rin ito nagtagumpay.

Naging mapalad si Redondo na makilala nang mapansin ng mga Amerikanong editor mula sa D.C. at Marvel ang kanyang kahusayan sa pamamagitan ni Tony De Zuniga.

[baguhin] Nestor Redondo sa Amerika

Ang una niyang obra ay ang Swamp Thing nang iniwan ito ni Berni Wrightson, isang amerikano na nakilala rin sa larangan ng komiks. Matapos ang Swamp Thing, ang sumunod na naging proyekto ni Redondo ay ang Rima, the Jungle Girl, na ayon sa Comic Guide ay siyang pinaka- kahanga-hangang likha ni Redondo.

Taong 1978 nang mamalagi si Redondo sa California at nagtrabaho sa animation. Matapos ang ilang pansariling proyekto, nagtrabaho siyang muli sa Marvel comics. Noong 1979, natanggap niya ang parangal na Ink Pot Award sa San Diego Convention.

Pumanaw siya noong Setyembre 30, 1995.

[baguhin] Gawa

  • Tarzan
  • Swamp Thing
  • Palos
  • Tagisan ng Agimat
  • Diwani: ang Gagamba
  • Darna
  • Rima: The Jungle Girl
  • Davy Crocket
  • Dracula
  • Sherlock Holmes
  • Conan: The Barbarian
  • The King is Dead
  • The Phantom Stranger
  • Secrets of Sinister House
  • The Unexpected
  • The Witching Hour
  • Bible
  • Dr. Jekyll and Mr. Hyde
  • Ang Signo
  • Raul Roldan
  • Serafin Arkangel

[baguhin] Kontribusyon

  • Our Army at War
  • G.I. Combat
  • Weird War Tales
  • House of Mystery
  • House of Secrets
  • Solarman
  • Marx
  • Lenin
  • Mao
  • Christ

[baguhin] Parangal

  • Inkpot Award, noong 1979 San Diego Comics Convention

[baguhin] Mga Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.