Lungsod Maynila

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Maynila)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap



Maynila
Ph locator ncr manila.png
Region: National Capital Region (NCR)
City: Maynila
Municiplity: 21
Barangays: 897
Areakm2: 38.55
pop2000: 1,581,082
pop2000rank: Ika-27 sa malalaki
popden2000: 41,014


Ang Lungsod Maynila ay ang kabesera ng Pilipinas at isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Look ng Maynila sa Luzon.

Supreme court of the Philippines in Manila

Ang Maynila ang sentro ng kalakalan at industriya ng bansa. Ang rehiyong kinabibilangan ng lungosd ay National Capital Region na mayroong 12 milyong katao. Ang populasyon ng Maynila ay mahigit 2 milyong tao.

(Manila Bay Skyline, Manila, Philippines)

Maraming tanyag na atraksyon ang lungsod tulad ng Luneta Park at Manila Bay. Dito rin matatagpuan ang Unibersidad ng Santo Tomas, ang itinuturing na pinakamatandang nananatiling unibersidad sa Asya na itinayo noong 1611 ng mga prayleng Kastila.

Ang Intramuros sa Maynila ay tinaguriang "Mini-Spain". Pawang mga Kastila ang naninirahan doon noong panahon ng pananakop ng mga nasabing dayuhan. Matatagpuan doon ang San Agustin Church, isa sa apat na simbahan sa Pilipinas na dinisenyuhan sa konseptong Baroque at kabilang sa World Heritage Site List ng UNESCO.

Ang Maynila ay tinaguriang "Paris of Asia".

(Manila City Hall (Manila, Philippines)

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang Maynila ay nag-ugat sa salitang "may nilad". Ang nilad ay isang halamang nabubuhay sa baybayin ng lungsod.

Nagsimula ang pananakop ng mga Espanyol sa Maynila nang dumating ang mga ito sa bansa noong ika-16 na siglo. Pinamahalaan nila ang ang buong bansa sa loob ng tatlong siglo. Noong 1898, nakuha ng Estados Unidos ang kontrol sa lungsod nang matalo ng mga Amerikano ang puwersa ng mga Espanyol. Malawak ang pinsalang dinulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang itakda ng mga Amerikano ang kasarinlan noong 1946, bumangon muli ang Maynila sa mga dinulot ng mapaminsalang digmaan. Dalawampu't siyam na taon ang lumipas, binuo ang Pambansang Punong Rehiyon noong 1975.

(National Museum at the Manila, Philippines)

[baguhin] Heograpiya

Ang Maynila ay nakahimlay sa bunganga ng Ilog Pasig na nasa silangang baybayin ng Look Maynila na nasa gawing kanluran ng Luzon. Ito ay may layong 950 kilometro sa timog silangan ng Hong Kong at 2,400 kilometro sa hilagang silangan ng Sinagapore.

(Malacanang palace in Manila, Philippines

Bilang bahagi ng Kalakhang Maynila, napaliligiran ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Quezon sa hilagang silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog silangan, at Pasay sa timog.

[baguhin] Mga Wika

Ang pangunahing wika ng lungsod ay Filipino at Ingles. Ginagamit ito ng mga mamamayan sa pag-aaral at pagnenegosyo.

[baguhin] Sentro ng Pananampalataya

Ang Maynila ang naging sentro ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Kastila nang sinakop nito ang Pilipinas limandaang taon na ang nakararaan. Matatagpuan sa lungsod ang mga tanyag na simbahang Katoliko tulad ng Quiapo Church, Manila Cathedral,. at San Miguel Pro-Cathedral.


[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.