Maxine Medina

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Maxine Medina.jpg

Si Maria Mika Maxine Medina, o mas kilala bilang Maxine Medina, ay isang beauty queen at freelance interior designer. Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-65 Miss Universe na kung saan siya'y nakapasok sa ika-anim na pwesto.

Siya ay anak nina Maximo Guillermo Medina, isang dating commercial model at flight attendant, at Maria Fe Medina, isa ring dating modelo at senior bank manager.

Nagtapos si Maxine sa De La Salle College of St. Benilde at sa Philippine School of Interior Design. Bilang isang freelance interior designer, nagawa na niyang mag-disenyo ng mga residential condominiums. Ang binibini na may tangkad na 5'8 ay modelo rin sa ilang produkto, TV commercials, at maging ng print at runway. Siya ay senior member ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP).

Kabilang sana siya sa mga kalahok sa Binibining Pilipinas noong 2012 ngunit nadiskwalipika siya dahil sa gusot kaugnay ng kaniyang endorsement contract.


Mga nilalaman

[baguhin] Binibing Pilipinas 2016

Sa question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas 2016, tinanong siya ni ABSCBN executive Cory Vidanes kung anong payo ang maibibigay niyang payo sa isang 15-taong gulang na batang babae na nagnanais na huminto sa pag-aaral kahit pa kaya naman itong matustusan. Aniya, papayuhan niya ang bata na mag-aral nang mabuti anuman ang sabihin ng kaniyang mga magulang sapagkat ang edukasyon ay isang bagay na hindi lahat ay makakukuha. Dagdag pa niya, makatutulong ito upang mas maging mabuting tao ang isang indibidwal.

Siya ay kinoronahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong ika-17 ng Abril 2016. Siya ang tumayong kinatawan ng Pilipinas sa ika-65 Miss Universe pageant at inasam na makuha ang back-to-back na panalo para sa bansa.


[baguhin] Miss Universe 2016

Tumayong kinatawan ng Pilipinas si Medina sa ika-65 na Miss Universe pageant na ginanap noong ika-30 ng Enero 2017 sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Hindi siya gumamit ng interpreter sa interview round.

Sa question-and-answer portion, siya ay tinanong kung anong pinakamakahulugang pagbabago ang nakita niya sa mundo nitong nagdaang sampung taon. Aniya, nakita niyang naroon ang lahat sa pagdiriwang ng Miss Universe. Dagdag pa niya, isa itong malaking bagay dahil bilang isang bansa, naging magkakasama ang lahat.

Nagtapos si Medina sa ika-anim na pwesto. Kinoronahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France sa pagtatapos ng patimpalak.




[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Panlabas na kawing



[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.