Marinduque

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rehiyon ng MIMARO (Rehiyon IV-B) | Marinduque | 6 | 218 | 959.3| 217,392| 227|
Marinduque
Lokasyon
300px
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng MIMARO (Rehiyon IV-B)
Lalawigan Marinduque
Lungsod
Munisipalidad 6
Kabisera
Barangay 218
Pisikal na Katangian
Saklaw 959.3 km²
Ikawalong pinakamaliit| (Ikawalong pinakamaliit)
Populasyon
Kabuuan (2000) (Ika-14 pinakamaliit)
Densidad 227/km²
Ika-39 pinakamalaki| (Ika-39 pinakamalaki)


Ang Marinduque ay pulong lalawigan na nasa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon. Boac ang kabesera nito. Ang Marinduque ay nasa pagitan ng Look Tayabas sa hilaga at Dagat Sibuyan sa timog; timog-kanluran ng Quezon, silangan ng Mindoro, at hilaga ng Romblon.

Kilala ang Marinduque sa Pistang Moriones na ipinagdiriwang taon-taon.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Hugis-puso ang pulo ng Marinduque na may layong pitong milya sa pangunahing pulo ng Luzon. Ito ay may sukat na 370 milya kuwadrado kung kaya ito ang ikatlo sa pinakamalaking pulo sa Filipinas.

Nahahati sa anim na munisipalidad ang Marinduque. Kabilang sa mga munisipalidad ang Boac, Buenavista, Gasan, Mogpog, Santa Cruz, at Torrijos.


[baguhin] Wika

Tagalog ang orihinal na wika ng mga taga-Marinduque subalit dahil sa lapit nito sa Rehiyon ng Visayas ay may mga salitang pinaghalong Tagalog at Bisaya na tanging mga taga-Marinduque lamang ang nakauunawa. May mga gumagamit ng wikang Bikolano. Marami ang nakakaintindi ng wikang Filipino at Ingles.

[baguhin] Kultura

Magiliw sa pagtanggap ng bisita ang mga taga-Marinduque. Tinatawag na putong ang kaugaliang ito. Ang bisita ay pinauupo at sinusuotan ng koronang yari sa bulaklak at aalayan ng sayaw at awit ng mga babaeng taga-Marinduque.

Tuwing sasapit ang buwan ng Abril ay ipinagdiriwang ang Moriones. Ginaganap sa lansangan ang iba’t ibang parada at kasiyahan. Isinasabuhay ng mga taga-Boac ang pangyayari noong sandaling tinusok ng sibat ni Longhino ang tadyang ni Hesus at ang dugong tumalsik sa mukha ng naturang bulag na kawal ang mahimalang nagpanumbalik ng kaniyang paningin.

[baguhin] Ekonomiya

Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Marinduqueño. Palay at niyog ang mga pangunahing pananim. Pagmimina ang dating ikinabubuhay nila ngunit dahil sa insidenteng nangyari sa kompanyang Marcopper na nagdulot ng malaking pinsala ay itinigil pansamantala ang pagmimina. Ang pangingisda ay may malaking bahagi rin sa ekonomiya ng Marinduque.

[baguhin] Sanggunian

Wow Philippines (hinango noong 15 Nobyembre 2007).

National Statistics Office Census (hinango noong 15 Nobyembre 2007).

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.