Luisito Espinosa

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Luisito Pio Espinosa (26 June 1967) ay boksingerong Pilipino na nagwagi ng dalawang Titulong Pandaigdig (World Title) sa magkaibang dibisyon ng timbang.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Tagumpay at Talo

Si Espinosa, na mas kilala bilang “Golden Boy” o “Lindol”, ay naging propesyonal na boksingero noong 1984. Nakuha niya ang titulong WBA Bantamweight nang talunin niya si Khaokor Galaxy sa unang round ng kanilang laban. May dalawang beses niyang ipinagtanggol ang naturang titulo bago siya natalo ni Israel Contreras noong 1991. Noong 1995, nakuha ni Espinosa ang titulo ng kampeonato sa WBC Featherweight nang talunin niya si Manuel Medina. Pitong beses ipinagtanggol ni Espinosa ang naturang titulo bago nakuha ito ni Cesar Soto noong 1999. Nang sumunod na taon, hinamon niya si Guty Espadas Jr. para sa titulo ng WBC Featherweight, ngunit nabigo siya nang ihinto ang kanilang laban. Si Espinosa ay nagretiro noong 2005, nang mapatulog siya ng kaniyang kalaban na si Cristobal Cruz.

Nagtungo sa Estados Unidos si Espinosa nang mayamot makaraang lokohin umano siya ng kaniyang promoter ng boksing na nabigong magbayad kay Espinosa nang karampatang salapi matapos makipaglaban. Mula noon ay sari-saring trabaho na ang kaniyang pinasukan, at umasam ng katarungan mula sa mga awtoridad.

Pinasok niya ang mundo ng mixed martial arts (MMA) sa pamamagitan ng pagsasanay sa magkapatid na sina Nick at Nate Diaz sa boxing upang mapagbuti pa ang kanilang stand-up. Tumulong din siya sa pagsasanay sa Boxing Team ng University of San Francisco noong 2006 hanggang 2007 para sa taunang Hilltop Cup.

Noong March 2015, makalipas ang 17 taon, pinanigan ng Court of Appeals si Espinosa sa kaniyang karapatan sa premyong natamo na nagkakahalaga ng USD 130,349.

Siya'y kasalukuyang naninirahan sa California. Nasubukan na niyang magtrabaho bilang staff sa Costco supermarket sa loob ng tatlong taon, kitchen crew sa McDonalds sa isang taon, at iba pa. Taong 2004 nang siya'y lumipat at magtrabaho sa Hong Kong bilang boxing trainer sa Everlast Fight and Fitness Gym.


[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.