LVN Pictures

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Itinatag noong 1938, ang LVN Pictures ay isa sa “Big Four” ng industriya ng pelikula sa Pilipinas noong dekada 50, kasama ang Sampaguita Pictures, Lebran, Inc at Premiere Productions, Inc. Namayani ang LVN sa tatlong dekada at gumawa ng mga pelikula nang katatawanan pati na rin mga pelikulang may kahalagahang panlipunan. Ang pangalan ng LVN ay nagmula sa inisyal ng mga nagtatag nito na sina Narcisa Buencamino Vda de Leon, Carmen Villongco at Eleuterio Navoa Jr.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Naging aktibo ang LVN sa paggawa ng mga pelikula mula 1939 hanggang 1961. Ito ay nakagawa ng halos 350 na pelikula na may temang musikal at komedya. Ang unang pelikula nito na ang Giliw ko, ipinalabas noong 1939 ay naging matagumpay kaya naman ito ay naipalabas sa Estados Unidos. Ito ay sinundan pa ng mga pelikula nina Nida Blanca at Nestor de Villa, tulad ng Prinsipe Amante, 1950 at Waray-Waray, 1954.

Simula nang maitatag ang Maria Clara Awards noong 1950 kung saan nakatanggap si Doña Sisang ng best producer na gantimpala, ang LVN ay isa na sa mga istudyo na nagtamo ng mga gantimpala para sa kanilang mga pelikula. Isa na rito ang Hantik noong 1950, kung saan nagwagi si Tony Santos ng best supporting actor na gantimpala.

Nagwagi rin ang LVN sa internasyonal na mga film festivals, tulad ng sa Cambodian Film Festival noong 1954, best actress Lilia Dizon para sa Kandelerong Pilak, at sa Asian Film Festival sa Hongkong noong 1956, best picture para sa Anak Dalita.

[baguhin] Mga Pinasikat

[baguhin] Direktor

[baguhin] Artista

  • Tony Santos
  • Armando Goyena
  • Jaime de la Rosa
  • Lilia Dizon
  • Tessie Quintana
  • Mario Montenegro
  • Rosa Rosal
  • Charito Solis
  • Nida Blanca

[baguhin] Mga Pelikula

[baguhin] 1940's

  • Giliw Ko (1939)
  • Ibong Adarna (1941)
  • Victory Joe (1946)
  • Garrison 13 (1946)
  • Orasang Ginto (1946)
  • Magkaibang Lahi (1947)
  • Miss Philippines (1947)
  • Sarung Banggi (1947)
  • Sierra Madre, Bundok Ng Hiwaga (1948)
  • Pista Sa Nayon (1948)
  • Sa Tokyo Ikinasal (1948)
  • Kaaway Ng Babae (1948)
  • Sumpaan (1948)
  • Parola (1949)
  • Gitano (1949)
  • Biglang Yaman (1949)
  • Capas (1949)

[baguhin] 1950's

  • Kontrabando (1950)
  • Mutya Ng Pasig (1950)
  • Pag-Asa (1951)
  • Haring Kobra (1951)
  • Kambal Tuko (1952)
  • Korea (1952) – best supporting actor Gil de Leon, supporting actress Nida Blanca, FAMAS
  • Kuwentong Bahay-Bahayan (1953)
  • HUK Sa Bagong Pamumuhay (1953) -best director Lamberto Avellana, FAMAS
  • Galawgaw (1954)
  • Waray-Waray (1954)
  • Higit Sa Lahat (1955) -best picture, best director Gregorio Fernandez, FAMAS
  • Lapu-Lapu (1955)
  • Nina Bonita (1955)
  • Talusaling (1955)
  • Sonny Boy (1955) -best actress Rosa Rosal, FAMAS
  • Anak Dalita (1957) -International Prestige Award of Merit
  • Badjao (1957)
  • El Robo (1957)
  • Kalyehera (1957)
  • Sampung Libong Pisong Pag-Ibig (1957)
  • Walang Sugat (1957) -best cinematography, FAMAS
  • Faithful (1958)
  • Anak Ni Waray (1958)
  • Malvarosa (1958)
  • Kundiman Ng Lahi (1959)
  • Biyaya Ng Lupa (1959)

[baguhin] 1960's

Sandata at Pangako (Picture from ([1]).
  • Nukso Nang Nukso (1960)
  • Walang Sisihan (1961)
  • My Serenade (1961) -Special Award for best comedy film, Asian Film Festival
  • Sandata At Pangako (1961)
  • Prinsipe Diomedes At Ang Mahiwagang Gitara (1961)

[baguhin] 1970's

  • Kung Mangarap Ka't Magising (1977)
  • Kakaba Kaba Ka Ba? (1980)


[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VIII. Philippine Film. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • LVN. (Hinango noong 20 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.