Kutkutin

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Chichiria

Ang pagkain ng mga kutkutin ay nakaugalian na ng mga Pilipino tuwing merienda. Ang mga kutkutin ay kinabibilangan ng mga pagkaing tulad ng mga tsitsirya, na mabibili ng pwedeng kainin at ginagamitan lamang ng kamay sa pagkain. Bagama't naging popular na ang pagkain ng mga ito tuwing oras ng meryenda, hindi naman limitado sa ganitong oras ang pagkonsumo sa mga ito. Popular ang kutkutin sa lahat ng parte ng Pilipinas. Makikitang kumakain nito ang mga tao sa kalsada, mga nanonood ng telebisyon sa kanilang tahanan, mga magkakaibigang nasa eskwelahan, mga taong nagtatrabaho at marami pang iba.

Makikita rin ang mga taong nagbebenta ng mga kutkutin kahit saan ka magpunta. Karamihan sa mga sari-sari store ay nagtitinda ng mga ito. Mayroon din namang naglalako sa daan, sa malalaking grocery at kung saan saan pa. Popular sa mga tao ang mga kutkutin hindi lamang dahil madali itong mabili kundi dahil na rin sa mura ito. Ang ilan sa mga paboritong kutkutin ng mga Pilipino ang chicharon, corn chips, cookies at cheese curls. Maliban sa mga ito, kilala rin ang mga kutkutin tulad ng butong pakwan, buto ng kalabasa, at kornik.

Paborito ng mga Pilipino ang pagkain at mahilig din ang mga ito sa salu-salo, kaya ganoon na lamang ang pagiging popular ng mga kutkutin sa mga ito. Ang mga kutkutin o tsitsirya ay nagsisilbing paraan upang magkasalu-salo ang mga magkakaibigan at magkakapamilya habang kumakain.

Ang mga sumusunod ay ang mga popular na tatak ng mga tsitsirya sa Pilipinas:

  • Boy Bawang
  • Piattos
  • Nova
  • V-Cut
  • Chippy
  • Taquitos
  • Mr. Chips
  • Tostillas
  • Roller Coaster
  • Spuds
  • Chiz curls
  • Sea Crunch
  • Choco Curls

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.