Kababaihang Rizalista

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Kababaihang Rizalista
Kababaihang rizalista.jpg
Adres
Telepono

Kababaihang Rizalista ay ang pambabaeng katapat na organisasyon ng Knights of Rizal na may layuning ipalaganap ang mga idealismo at paniniwala ng Pambansang Bayani ng Filipinas na si Jose Rizal. Ito ay itinatag ni Dr. Severina Luna Orosa noong 1957.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang konseptong magtatag ng katumbas na organisasyon ng Knights of Rizal na para sa mga babae ay idea ni Juan Nakpil, pinunong supremo ng samahan nang panahong iyon (1950). Subalit naisakatuparan lamang ito sa ilalim ng pamumuno ni Herminigildo B. Reyes. Inutusan niya ang tagapamahala ng lupon na si Sixto Y. Orosa na imbitahan ang mga babae, partikular na ang mga asawa ng mga miyembro ng samahan.

Taon 1957 nang inorganisa ni Severina Luna de Orosa, asawa ni Sixto, ang Kababaihang Rizalista. Tumanggi siyang maging pangulo nito dahil sa delikadesa ngunit naging pangulo rin pagkatapos ng ilang taon. Si Encarnacion Alonzo ang kauna-unahang pangulo ng samahan.

[baguhin] Deskripsyon

Ang Kababaihang Rizalista ay lumalahok sa mga programa ng iba't ibang paaralan upang ipalaganap ang mga ideyalismo ni Rizal. Ito ay nagbibigay ng lektura, nangangasiwa ng mga intelektuwal na talakayan, namamahagi ng aklat, nagkakaloob ng gantimpala, at nagpapalabas ng dokumentaryo tungkol sa Pambansang Bayani.

Ito rin ay nagtataguyod ng mga programang medikal at dental para sa mga kapos-palad, at nagdadaos ng mga palabas na panlibang upang ipagdiwang kapanganakan at kamatayan ni Rizal.

Sa ilalim ng pamumuno ni Helen Orosa del Rosario, anak nina Sixto at Severina, nagkaroon ng mga programa tulad ng pagtatanim, pagreresiklo, proyektong pangkabuhayan, at ilang industriyang pambahay ang Kababaihang Rizalista. Noon din ay ginawaran ng Plake ng Pagpapahalaga ng samahan ang tanyag na direktor na si Marilou Diaz-Abaya para sa pagsasagawa nito ng pelikulang Rizal na ipinalabas noong 1999.

May sangay sa Lungsod Maynila, Lungsod Quezon, Lungsod Pasig, Lungsod Malabon, Lungsod Kalookan, Lungsod Baguio, Europa, America, at Canada ang samahang ito.

[baguhin] Sanggunian

  • Hango sa isinulat ni del Rosario, Helen Orosa. Kababaihang Rizalista. 100 Centennial Celebration - Feminist Movement in the Philippines 1905- 2005. Lungsod Quezon: Vibal Publishing House, Inc., 2005. (noong 25 ng Pebrero 2008)
  • Hango sa Directory of Non-Government Organizations Working on Women. Publication of the National Commission on the Role of Filipino Women; Copyright 2007.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.