Erika

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Talaksan:Erika.jpg
Erika(pabalat ng nobela)

Erika ay sinulat ni Carmen Cabling. Ang pangunahing bidang babae, si Erika, ay nagpapagaling ng kanyang sugat mula sa isang nagtaksil na pag-ibig. Subalit si Maro, kahit na marahil abutin ng habampanahon ay hindi na maghihilom pa ang sugat na iniwan ng yumaong pinakaiibig. Nagtagpo ang kanilang mga landas sabay nang paghahabi ng mga bagong pangarap. At muli… nakilala nila ang pagmamahal.

[baguhin] Pangkalahatang Buod

Mahapdi ang sugat na iniwan ng kasuyo, ngunit may pagpupunyaging gamutin. Kasabay ng isa pang kaluluwang nakikibaka sa kirot na nakahimlay sa dibdib. kaninong pait ang higit na mas malalim kung ihahambing sa isang sugat na kailanman ay hindi kayang papaghilumin ng gaano man katagal na panahon? Dalawang tao, dalawang karakter na nakabaon sa pagdurusa, yakap-yakap ang anino ng kahapong nakasunod, tila multong nakakubli, nananakot. Subalit ang walang hanggan man ay nagwawakas din kungsakaling muling masusumpungan ang init ng isang bagong pag-ibig.

[baguhin] Sanggunian

Cabling, Carmen. Erika.


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.