Deodato Arellano

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Deodato Arellano (26 Hulyo 1844 - 7 Oktubre 1899) ay isa sa mga nagtatag ng Katipunan na naging dahilan ng simula ng himagsikan sa Filipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinag-ugatan at Edukasyon

Si Arellano ay isinilang sa bayan ng Bulakan, at anak nina Juan at Mamerta de la Cruz. Noong 1849, napalitan ang kanilang apelyido, alinsunod sa kautusan ng pamahalaang Kastila. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila, at nagtrabaho bilang klerk sa imbakan ng armas ng mga sundalong Kastila sa Maynila. Napangasawa niya si Hilaria del Pilar, na kapatid ni Marcelo H. del Pilar.

[baguhin] Rebolusyonaryo

Si Arellano at ang kaniyang bayaw na si Del Pilar ay aktibong kasapi ng isang lihim na samahan na lumalaban sa pamamahala ng mga Kastila. Ang kanilang samahan ay tinawag na “Mason”. Siya ang nangalap ng pondo para sa mga Filipino sa Espanya.

Noong 1892, sumapi si Arellano at ang ibang pang mason tulad ni Andres Bonifacio, sa La Liga Filipina, na itinatag ni Jose Rizal nang magbalik ito mula Europa. Nahalal bilang sekretaryo ng La Liga ilang araw bago nadakip at kinulong si Rizal sa Dapitan. Noong 7 Hulyo 1892, nang ihayag ng pamahalaang Kastila ang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan, itinatag nina Arellano, Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, at Jose Dizon ang Katipunan. Si Arellano ang unang nahalal bilang pangulo ng pinakamataas na kapulungan.

Nang matapos ang himagsikan laban sa mga Kastila noong Agosto 1896, si Arellano ay nagtungo sa Bulakan upang kumpunihin ang mga nasira ng nakaraang digmaan. Nang sumiklab ang digmaan laban sa mga Amerikano, siya ay sumanib sa brigada ni Gregorio del Pilar, na kasalukuyang nakikibaka sa naturang lalawigan. Nagkaroon siya ng tuberkulosis habang nakikipaglaban sa bundok ng Cordillera at naging sanhi iyon ng kaniyang kamatayan. Ang kaniyang labi ay inilibing sa sementeryo ng La Trinidad, Benguet.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Sanggunian

  • Quirino, Carlos. Who's who in Philippine History. Maynila: Tahanan Books, 1995.
  • National Historical Institute, Filipinos in History 5 vols. (Maynila: National Historical Institute, 1995).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.