Dambana ng Mahal na Ina ng Manaoag

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

humb|right|200px

Ang Dambana ng Mahal na Ina ng Manaoag ay itinatag noong nakaraang 400 taon. Dinala ang imahen ng Nuestra Señora de Manaoag sa Filipinas ng paring si Juan de San Jacinto mula Espanya. Pinaniniwalaang ang imahen ng Ina ng Manaoag ang nagtalaga ng lugar kung saan niya nais ipatayo ang simbahan. Ang simbahan at ang imahen ng Ina ng Manaoag ay dumaan sa di-mabilang na mga makasaysayang pangyayari ngunit hindi natinag ng mga ito.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinag-Ugatan

Pinangasiwaan ng mga Paring Dominiko ang simbahang ito noong 1605. Pinasinayahan ang bagong gawang simbahan na yari sa bato. Nang magsimula ang digmaan noong 1896 ay dinala ang imahen ng Manaog sa Dagupan upang mailigtas. Himalang hindi ito nasira. Nagpalipat-lipat ang imahen sa iba't ibang tahanan upang maitago. Noong 1898 ay nawasak ang simbahan at ang trono ng imahen dahil sa malawakang pag-aaklas ng mga tao laban sa pamahalaan. Nang maayos ang nasirang simbahan at puwede ng maging tahanan ng imahen ng Manaoag, ibinalik ang imahen sa Manaoag at inilagay muli sa kaniyang dambana. Sinimulang ayusin muli ang nasabing simbahan noong 1911. Lahat ng kailangang komponehin ay naayos maliban sa kampanaryo at ang mga gilid ng simbahan. Noong 21 Abril 1926 ay kinoronahan ang imahen ng Ina ng Manaoag. Ang simbahan ng Manaoag ay kinilala ng Philippine Historical Research and Markers committee noong 1937. Dahil sa Digmaang Pandaigdig ay napilitang isara ang simbahan pansamantala. Nang tumigil ang labanan ay muli itong nagbukas.

Noong panahon ng liberasiyon ay muling napinsala ang simbahan ng Manaoag. Isang eroplano ang nagbagsak ng apat na bomba dito. Ang tatlong bomba ay bumagsak sa patyo na naging dahilan upang mapinsala ang entrada ng simbahan at isang bomba ay sa bubong bumagsak ngunit hindi sumabog. Pagkatapos ng digmaan ang simbahan ay kinumpuni muli. Ang mga peregrin na bumalik ay lumaki ang bilang kaysa dati. Itinayo ang kumbento at ang kampanaryo noong 1952. Pinasinayahan ang mga ito noong 1954. Magmula pa noong 1972 ay nasa ilalim ng pangangasiwa at pangangalaga ng mga Filipinong paring Dominiko ang simbahan ng Manaoag.

Sa kasalukuyan, Si Padre Patricio A. Apa, OP ang nagsisilbi bilang kura paroko ng simbahan ng Ina ng Manaoag, katulong ang 10 paring Dominiko.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Tingnan Din

Our Lady of Manaog Church

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.