Chinatown

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Binondo)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Chinatown [1]

Ang China Town ay ang sentro ng buhay at anumang may tatak Tsino sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Binondo, Maynila.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa'y nakikipagkalakalan na ang mga katutubo sa mga Tsino. Sinasabing noong panahon pa ito ng Dinastiyang Sung hanggang sa Dinastiyang Ming ang ugat ng sinaunang pakikipag-ugnayan ng dalawang lahi. Ayon sa mga tala ng Tsino, noong 1406-1410 ay dumadalaw na ang mga sugo o pinuno ng Luzon at Sulu sa Peking upang makipagugnayan sa emperador. Lumaganap ang kalakalan sa panig ng Pilipinas sa at Tsina noong 1600-1700 siglo. Tinatayang may 200-300 tsino ang nakarating sa Maynila. Sari-saring produkto ang dinala ng mga Tsino sa Pilipinas mula sa pagkain at tela hanggang hayop at alahas. Bilang paraan ng pagkokontrol, itinatag ng mga Espanyol ang parian-ang pook na maaring manirahan, makipagkalakalan, at magserbisyo ang mga Tsino. Ang unang parian ay nasa loob ng Intramuros, at itinatag noong 1581.

Nang paslangin ang mga nag-aklas na Tsino si Gobernador Gomez Perez Dasmarinas noong 1593, inilipat sa labas ng moog. Noong 28 Marso 1594, binili ni Gobernador Luis Peres Dasmarinas ang Binondo at ipinamigay sa mga banyagang Tsino. Dating isla ang Binondo at sumasaklaw ito sa 13 baryo. Rosario ang sentro ng puweblo at kanugnog nito ang San Jacinto, San Jose, San Vicente, San Gabriel de Jolo, Anloague, Longos, Baybay (San Nicolas), La Playa, Estacada, Santa Rosa, Santo Nino at Punta. Ang nasabing mga baryo ang Binondo bilang sentrong komersiyal sa labas ng Intramuros. Ngayon, maraming makikitang Tsinoy (Tsino na nahaluan na ng lahing Filipino) na naninirahan at may malaking negosyo dito.

[baguhin] Sentro ng Kalakalan

Kahit ngayong laganap ang mga Tsino sa buong bansa, itinuring pa ring "Chinatown" o sentro ng populasyong Tsino sa Pilipinas ang Binondo. Sa Calle Escolta, na may habang 393 metro, matatagpuan ang mga bagong produktong ibinebenta ng mga Europeo, Amerikano at mestiso. Natatangi ang Escolta sa iba pang kalye dahil ang mga batong ginamit sa kahabaan nito ay binili at inangkat pa sa Hongkong. Sa kabilang dako, ang mga tindahan ng mga Tsino ay matatagpuan sa Calle Rosario at Calle San Fernando. Ang Calle Anloague ay pook na paninirahan noon ng mga karpintero. May mga tindahan at pansiterya ng mga Tsino sa Calle Nueva. May mga apotekaryo, kuta ng opyo, at pasugalan sa Calle Santo Cristo. Matatagpuan naman noon sa Calle San Jacinto ang kauna-unahan at tanyag na Teatro de Binondo.

[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.