Bataan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rehiyon ng Gitnang Luzon
(Rehiyon III) | Bataan | 1 | 11 | 237 | 1,373.0| 557,659| 1406|
Bataan
Lokasyon
Rehiyon III Gitnang Luzon.jpg
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng Gitnang Luzon
(Rehiyon III)
Lalawigan Bataan
Lungsod 1
Munisipalidad 11
Kabisera
Barangay 237
Pisikal na Katangian
Saklaw 1,373.0 km²
Ika-12 pinakamaliit| (Ika-12 pinakamaliit)
Populasyon
Kabuuan (2000) (Ika-46 pinakamalaki)
Densidad 1406/km²
Ika-12 pinakamababa| (Ika-12 pinakamababa)


Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang [1]

Ang Bataan ang tangway sa kanlurang bahagi ng Luzon. Lungsod Balanga ang kabesera nito. Ang Bataan ay nasa hanggahan ng Zambales at Pampanga sa hilaga. Ang makasaysayang “Labanan sa Bataan” ay naganap sa lalawigang ito. Ang Martsa ng Kamatayan Mula Bataan ay ipinangalan sa lalawigan dahil dito nagsimulang magmartsa ang mga Filipino at Amerikanong sundalo pagkatapos magapi ng puwersa ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Pamosong Tao na Taga Bataan

• Tomas Pinpin — Ang “Prinsipe ng mga Filipinong Maglilimbag”. Ipinanganak siya sa Mabatang, Abucay, Bataan. Natutuhan niya ang sining sa paglilimbag noong 1608 at kinuha bilang aprentis ni Padre Blancas sa imprentahan noong 1609. Ang mababang paaralan ng Abucay ay ipinangalan sa kaniya. Tinawag itong Tomas Pinpin Memorial Elementary School. Matatagpuan ang kaniyang estatwa sa kwadranggel ng paaralan.

• Evangeline Pascual — Artista at nanalo sa timpalak ng pangkagandahan.

• Leonado Roman — Dating gobernador ng Bataan at kaibigan ng dating senador na si Vicente Sotto III.

• Enrique “Tet” Garcia — Kilala bilang “Mr. Petrochem”. Siya ay naging mambabatas at dating “accountant” ng mayaman at makapangyarihang si Lucio Tan. Nanalo siya bilang gobernador ng Bataan noong 2004 halalan.

  • Kerby Raymundo — Ikalawa sa pinakabatang pumasok sa “PBA” sa edad na 19. Napanalunan niya ang titulong “MVP” noong 2002 sa Governor’s Cup.

• Heny Sison — Ekspertong kusinera (chef) at may palabas sa telebisyon na pinamagatang “A Taste of Life with Heny Sison."

• Manny Villar — Ipinanganak sa Bataan, Senador.

[baguhin] Heograpiya

Ang Bataan ay may 11 munisipalidad na kinabibilangan ng Abucay, Bagac, Dinalupihan, Hermosa, Limay, Mariveles, Morong, Orani, Orion, Pilar at Samal. May isa itong lungsod, ang Balanga.

[baguhin] Wika

Tagalog ang pangunahing wika ng Bataan. Sinusundan ito ng Ilokano at Kapampangan. Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo sa paaralan.

[baguhin] Pinagmulan

Ang Bataan ay itinatag noong 1754 ng Gobernador-Heneral Pedro Manuel Arandia mula sa mga teritoryo ng Pampanga at korehimyento ng Mariveles na noon ay kinabibilangan ng Maragondon, Cavite na nasa kabila ng Look Maynila.

Ang Hukbong Dagat ng Netherlands ay dumating sa Filipinas noong 1647 upang tangkaing agawin sa mga Espanyol ang pananakop sa Iba ngunit sila ay hindi nagwagi. Ang Bataan ang ginamit ng piratang Intsik si Limahong na lugar upang masakop ang Luzon ngunit hindi siya nagtagumpay.

[baguhin] Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Bataan ang naging imbakan ng mga Amerikano ng galon-galong gasolina bago pa dumating ang mga Hapones noong 1941.

Naging huling tanggulan ng pinagsanib na puwera ng mga Filipino at Amerikanong sundalo ang Bataan. Napasakamay ng mga Hapones ang lalawigan noong 9 Abril at ang naging simula ng Martsa ng Kamatayan. Ang mga nadakip na sundalong Filipino at Amerikano ay napilitang magmartsa nang higit sa sandaang kilometro mulang Bataan hanggang Tarlac.

[baguhin] Sanggunian

National Statistics Office (hinango noong 10 Nobyembre 2007).


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.