Balarila

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang balarila[1] ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.[2]

[baguhin] Tingnan din

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Balarila. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.



Kamalian sa pagtukoy: Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>