Alicia P. Magos

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Alicia P. Magos ay Filipinong antropologo, istoryador, at propesor na nagbuhos ng malaking panahon sa pananaliksik hinggil sa Kanlurang Visayas, Filipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon

Nakamit ni Magos ang Batsilyer sa Sining sa Edukasyong Pang-elementarya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1970, at ang masterado sa Antropolohiya (1986) at Pagtuturo ng Agham Panlipunan (1978) sa gayon ding unibersidad. Nakamit niya pagkaraan ang doktorado sa pilosopiya sa Philippine Studies Asian Centre.

[baguhin] Tungkulin

Bilang pagsasabuhay ng kaniyang tungkulin, ginampanan ni Magos ang pagiging direktor ng Center for West Visayan Studies sa UP-Visayas, Iloilo, habang abala sa tungkulin bilang propesor ng antropolohiya at kasaysayan sa nasabing unibersidad. Noong 1997, nahirang siyang kalihim sa Paaralang Gradwado ng UP-Visayas, Iloilo.

[baguhin] Mga Saliksik

Noong 1986–1987, naging punong mananaliksik siya sa Panaynon Maritime World View na pinondohan ng Mombusho, Japan. Si Magos din ang pinuno ng Etnograpiya ng Calinaw, Iloilo at nagsaliksik sa tribung pamanayan doon noong 1994–1995. Ginampanan din niya ang pagiging direktor ng proyekto ng Hinilawod: Makro Epiko ng Gitnang Panya, na tinustusan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining noong 1985–1986. Ang iba pa niyang saliksik ay Talda, Dilot, and Ulawhay: Oral Lores of Central Panay, na pinondohan ng NCCA; at Baseline Study: Historico-Cultural and Economic Characteristics of the Bukidnon Communities in Jamindan and Tapaz, Capiz, na imbestigasyon sa reserbasyong militar at kinomisyon ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Puno rin siya sa pangkat na nagsalin ng Epikong Panay mulang Ligbok tungong Kinaray-a, na may apat na tomo.

[baguhin] Mga Aklat

Kabilang sa mga aklat ni Magos ang sumusunod:

  • The Enduring Maaram Tradition: An Ethnography of a Kinaray-a Village. Quezon City: New Day Publishing House, 1992.
  • Ethnography of Calinaw, Iloilo (Tribal Community). Published by UP/ERP-DECS/BNFE, Quezon City, 1995-1996.
  • Ethnography of Magdalena, Iloilo (Hacienda Type Community). Published by UP-ERP-DECS/BNFE, Quezon City, 1995-1996.

Ang mga mapanuring sanaysay ni Magos ay nalathala sa mga publikasyon at jornal ng UP Visayas at UP Diliman.

[baguhin] Mga Gawad

Ilang sa mga natamong parangal ni Magos ang Fulbright Fellowship, Enrichment Programme ng University of Hawaii-Manoa, USA noong 1984–1985; unang gantimpala, International Literary Research Award noong 1994–1995; UP Alumni Award sa kategoryang propesyonal na antropolohiya noong 1995; at unang gantimpala, President's Best Book Award, mula sa UP Diliman noong 1995.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

  • Para sa karagdagang impormasyon, dumalaw sa Filipiniana.net at basahin ang iba pang kaugnay na kaalaman sa antropolohiya at kasaysayan.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.