Mula Wikifilipino

Mabuhay.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
2,821 artikulo sa Filipino at dumarami....

TunogPinoy.png

Filipiniana.net · WikiPilipinas

10 Tala · Tumbasan at salin · Mungkahi · Gabay sa pagsusulat

Tampok na Artikulo

edit

Ang malaking bahagi ng ating musika ay bunga ng impluwensiya ng ating mga katutubo at mga mananakop na Kastila at Amerikano. Mula noon ay patuloy nang umunlad ang ating pagtingin sa larangang ito kasabay ang pagbabagong dulot ng pamamaraang likas sa kakayahan ng mga Pilipino. Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ang musika at asahan na patuloy ang pag-usbong nito sa pagdaan ng panahon.

Katutubong Tradisyon

Ang sinaunang musika sa kabuuan ay sinasabing may katangiang nagpapahiwatig ng mga saloobin, pangarap, kahilingan, at gunita ng mga katutubo. Mahalaga na maintindihan na ang komunikasyon ay hindi lamang nangyayari sa ordinaryong usapan kung hindi maaaring idaan sa pagkanta. Ang musika sa panahong ito ay may impluwensiya ng tradisyong Islam. Mababanaagan ang bakas ng tribal music sa Mindoro sa pangunguna ng mga Mangyan...May karugtong

Bagong Pangyayari

edit

Sa ika-walong pagkatataon mula nang maupong pangulo, inabangan at hinatulan ang katatapos pa lamang na State of the Nation Address (SONA) ni Gloria Macapagal Arroyo noong Lunes, Hulyo 28, sa Batasan Pambansa. Pansamantala namang natigil ang transportasyon sa may bahagi ng Commonwealth sa pagkakatipon ng iba’t ibang grupong nauna nang dumating upang ipahatid ang kanilang hinaing at galit sa pangulo...May karugtong

Tatak Pinoy!

edit

Ang Rondalla ay ang katutubong grupong musikal na ipinamana ng mga Kastila sa Filipinas noong panahong 1800's. Ang pagpapakilala ng gitara ng mga Kastila sa Filipinas ay naging daan upang sumulong ang rondalla sa Filipinas. Ang natural na hilig ng mga Filipino sa musika ay hindi naging balakid sa mga Kastila na turuan at mangalap ng mga taong may galing sa pagtugtog ng instrumento. Hindi nagtagal, lumawak ang mga may nais ...May karugtong

Alam mo ba...

edit

Na ang Bandang Juan de la Cruz ay ang kauna-unahang bandang may tema ng rock and roll sa Pilipinas na lumabas noong dekada '70? Ang orihinal na miyembro ng pangkat ay sina: Pepe Smith (sa tambol at awitin), Mike Hanopol (sa bass), at si Wally Gonzalez (sa gitara).

Tampok na Video

edit

Catherine Loria
Junior Vocalist & Grand Champion WCOPA 2008

Si Catherine Loria ay ang ikatlong Pilipinong nagwagi bilang "Grand Champion Performer of the World" sa taunang World Championships of Performing Arts (WCOPA) na kilala din bilang "Hollywood Olympics" na idinaraos sa Hollywood sa bansang Amerika...May karugtong

Ngayong Buwan...

edit

Ang 2008 World Championships of Performing Arts (WCOPA) ay ang ika-12 taunang WCOPA. Ito ay magsisimula sa Hulyo 19-27, 2008 na gaganapin sa Universal CityWalk, Hollywood at Westin Bonaventure sa Los Angeles, California. Daan-daang mang-aawit, mananayaw at iba't-ibang entertainers ang makikipagtagisan ng talino at galing sa Amerika para sa pagkakataong makilala bilang ...May karugtong


' Yan ang Pinoy!

edit

Si Charlie Green ay isang labingisang-taong gulang na bata na nakasama sa huling yugto ng paligsahan ng "Britains Got Talent 2008 (BGT)" sa bansang Britanya. Ang kaniyang amang si Roger Philip Green ay isang purong Britanikong mang-aawit na kabilang sa BBC’s Black & White Minstrels at ang kaniyang inang si Cecilia Sumargo ay isang Pilipina na taga Dumanjug, Cebu.

Nagsimulang kumanta si Green noong siya'y tatlong taong gulang pa lamang at sa murang edad ay pinangarap ...May karugtong

Idyoma at Salawikain

edit

Kung anong tugtog ay siyang sayaw.


Paliwanag: Ito ay nangangahulugan lamang na kailangang makibagay ka sa anumang sitwasyon na iyong kinakaharap.


Pansariling gamit
 Espesyal na Proyekto
 Taguyod